| Message | Duguan Ka Na Ba?
(John 10:3-5)
Minsan, may mga bagay na di ko alam kung bakit nangyayari at dapat mangyari. Madalas nakagagawa tayo nang mga bagay na hindi nakakatuwa sa paningin ng iba lalo na sa mga mata ng Diyos. Halimbawa, katulad ng usok mula sa sigarilyo, sabi ng mga humihithit nito, pangtanggal lang daw ng pagod, stress at pampalipas problema. Pero kung titignan ayon sa mga psychologist, pagtakbo ito sa nararamdaman nilang boring at paktakbo sa problema. Dahil nakakalimutan nila ang problema pag bumubuga at nakikita ang kakaibang disenyo ng usok pag bumilog na sa ere.
Kahit ako, madalas akong nag lalaro ng kompyuter para mawala ang inis ko, asar, at pagka buryong sa buhay. Pero, parang nakakapagod. Takbo nalang tayo ng takbo. Madalas ang tao kapag nahaharap sa sitwasyon na mahirap at pangit palagi nalamang ang pag iwas at minsan and masaklap, ay humihinto.
Pero and tanging gusto ng Diyos ay magrelax at makinig sa kanya. Yan ang pananalig: ang makinig sa kanya sa gusto Nyang gawin natin nang ang problemang nasa atin ay makuha Nya. Hindi natin kaya ang ito,pero Kaya Nya! : |