| Message | 2 konsehal nag-boxing sa sesyon
Wednesday, May 14, 2008 Mistulang mga ba tang nag-aagawan sa laruan ang dalawang konsehal makaraang magsuntukan sa sesyon ng konseho ng lokal na pamahalaang lungsod ng Koronadal sa South Cotabato, kamakalawa.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na tumindi ang debate kaugnay sa pagpapatayo ng bagong Koronadal City Hall kaya nauwi sa suntukan nang dalawang konsehal sa sesyon noong Lunes.
Nabatid na napikon si Councilor Rey Millan nang sabihin ng isa nilang kasamahan na colegial body sila at kailangang pagbobotohan ang pagdesisyon kung ipapatawag ba o hindi ang contractor ng City Hall.
Ayon pa sa ulat, inasar naman si Milan ni Councilor Henry Aguirre dahil matagal na silang nagpupulong sa konseho ay wala pa rin itong alam na “colegial body” ang nasabing mga opisyal.
Bunga nito, nagkainitan ang dalawang konsehal hanggang sa sugurin ni Aguirre ng suntok si Millan na animo’y boxing nina Pacman at Marquez sa sesyon hall.
Subalit, ayon sa ilang nakasaksi sa suntukan parang nahulugan ng bomba ang gitna ng session hall kung saan lumundag mula sa kanyang puwesto si Vice Mayor Vicente de Jesus na namumula sa galit na inawat ang dalawang lokal na opisyal.
Napag-alaman na tapos na ang kaguluhan nang rumesponde ang pulisya upang payapain ang kaguluhan sa session hall. Joy Cantos |