| Message | PARA KAY SUSAN FERNANDEZ
Maraming maraming salamiat Susan sa lahat ng ating pinagsamahan. Ang tinig mo ay mananatili sa Bistro na tinuring mo ring tahanan.
Malinaw sa aking isipan ang mga lugar na iyong inuupuan na kasama ang ating mga kaibigan. At alam mo, wala akong maisip na eksena na hindi ka nakangiti. Parang laging may kinang ang iyong mukha. Parang ang lahat ay mahal mo, at parang mahal ka rin ng lahat.
Hindi ka nagdalawang isip na pagbigyan ang mga paunlak na umakyat sa stage para iparinig ang tinig at awit mo na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan bakit nakakatulala.
Tulad ng iba, hindi ko mapagdugtong ang katotohanan na hindi ka na namin makakasama at makikita sa mga pagkakataong andun lahat ng tropa. Pero ok lang. Nauna ka na sa next level eh. Basta kapag naaalala ka namin, nakangiti kami. Ibilang mo ang mga taga-bistro sa tara ng mga nagmamahal sa iyo.
O sige Susan. Tuloy lang kami dito. Enjoy ka lang dyan. Congratulations for a life well spent. |