
| Date | February 17, 2007, 12:45 pm |
| Message | Sa mga kaibigan ni Jeland, may fundraiser para sa kanya sa feb 23-- featuring Mr. Noel Cabangon. Just like the good old days magkikita-kita tayo dun, masaya ang gabi para makatulong sa pagpapagamot ni Jeland de Guzman. Calling calling ... punta kayo. For details, call Renard 434-3597. |
| Date | February 17, 2007, 12:42 pm |
| Message | Tula ni Noel (part 2) Sa kabila ng maraming pagbabago Sa musika, politika, at buong mundo Sa himig ng musika nanatili ang bistro Musikang hanap ng mga karaniwang tao Mahigit isang dekada na ang nakaraan Nanatili ang bistro sa mga pagsubok na dumaan Di nakalimot sa simpleng pinanggalingan Kasama ang mga musikerong bahagi ng kasaysayan Isa lang ako sa mga kabahagi at nakasaksi Kahit sa tula man lang aking maibahagi Alaala ng 70’s bistro na sadyang nakakawili. Malayo man sa bansa sa aking puso’y mananatili --noel malicdem <mailto:ncm478@yahoo.com> 2007-01-29 09:34:10 GMT |
| Date | February 17, 2007, 12:39 pm |
| Message | mga kabistro share ko lang poem ko about 70's bistro.... Part 1 (di kasya eh) Kuwentong 70’s bistro Likha at titik ni Noel Malicdem,Arkitekto Dubai, UAE Kay sarap muling pakinggan Mga musikang kinagisnan Sa bandang Anonas matatagpuan Sa 70’s bistro lamang matutunghayan Nagsimula noong dekada ’90 Magbigay sigla sa larangan ng musika Masaksihang magtanghal mga makabagong banda At mapagbuklod muli mga musikero ng dekada ‘70 Ano mang klase at tugtog ang musika Bago man o luma basta may kiliti sa masa Musikang Pilipino sa mga titik at pagkalikha At sariwaing muli mga musika ng nagdaang dekada Isang lugar na may kalayaan Karaniwang tao dito ang tambayan Madama ang tunay na kapayapaan Musikang gamot sa magulong lipunan Bahagi ang bistro sa ating kasaysayan Saksi sa pagbabago at kaganapan sa ating bayan Musika ang paraan maiparating ang katotohanan Maiwasan ang maling pakikibaka sa maling paraan Dito rin halos ang madalas na tagpuan Mga taong may hinanakit at hinaing sa bayan Nagkakaisa sa mapayapang usapan Musika ang tinig para ipadama ang karaingan. Naging bahagi upang imulat ang kabataan Tangkilikin ang musikang pinoy ang pinagmulan At naganap ang konsiyerto ng bayan Bistro sa Amoranto hanggang pamorningan Nagbigay bahagi ng hustisya sa musikerong pinaslang Sa Quezon Circle nagtipon ang karaniwang mamamayan Para sa sa isang konsiyerto makamit ang katarungan Nilahukan ng mga musikero ng buong gabing kantahan |
| Date | February 17, 2007, 12:35 pm |
| Message | May tula ang kabistro na si noel malicdem tungkol sa 70s bistro. Kaya lang baka di nyo nababasa kasi nakabaon sa blog. Dalaw din kayo at mag post sa blog kung meron kayong gustong ibahagi na mga muni-muni. Anyway, noel, 'tol, i copy paste ko na rin dito sa guest book yung tula mo. Nakakaantig naman dahil pakiramdam namin miss mo na rin kami dito kahit papano. Ayos ka lang dyan. Ayos din kami rito. ![]() |
| Date | February 12, 2007, 9:30 am |
| Location | |
| Message | Birthday mo pala renard. Happy birthday p're!!! ![]() |
| Date | February 11, 2007, 9:14 pm |
| Location | |
| Message | 1st tym kong pumunta kagabi sa gig ng INDIO I nakakamiss ang grupo, sana bamboo @ kapatid mg ka gig din dun... ROCK ON BABY... ![]() |
| Date | February 11, 2007, 9:23 am |
| Message | Renard, hapi bertdey 'tol. ![]() |
| Date | February 10, 2007, 8:36 pm |
| Location | |
| Message | salamat sa info. sige, kitakits na lang sa 26. sobrang excited na ko. pwede rin ba magpapirma ng cd sa kamikazee? hehe... ![]() |
| This free guestbook is provided by UltraGuest.com |